Ang Pusang Itim
- Ace
- Sep 12, 2021
- 2 min read
"Sa tuwing uuwi ng hating-gabi si Anthony mula sa trabaho ay palagi siyang nagdarasal na sana ay hindi siya makasalubong ng pusang itim sa daan. Pero bakit nga ba ayaw na ayaw niyang makasalubong ng pusang itim?"
Alas-nuwebe na ng gabi nang mag-log-out si Anthony sa trabaho, para sa kaniya eh mas maigi nang ganitong oras umuwi para hindi na gaanong trapik sa EDSA. Bagamat sanay nang umuuwi ng ganitong oras ng gabi ang binata ay palagi pa rin siyang nagdarasal bago umalis ng opisina at habang nasa biyahe. Palagi niyang ipinagdarasal na sana ay hindi siya makasalubong ng pusang itim sa daan.
Sa tuwing mangyayari kasi ito ay palaging may masamang nangyayari sa huling taong nakausap niya bago makasalubong ng pusang itim, kaya naman naging habit na rin niya na hindi makipag-usap sa mga katrabaho niya bago umalis ng opisina.
Habang naglalakad sa Paseo de Roxas papuntang sakayan ng bus ay umaalingawngaw pa rin sa tainga ni Anthony ang mga sinabi ng boss niya kanina bago ito umalis sa meeting ng kanilang team. Ito ay lubhang ikinapahiya niya kaya naman hindi na niya nagawa pang kausapin ang mga teammates niya pagkatapos ng meeting at kaagad na nagpunta sa kaniyang cubicle para itama kaagad ang katiting na mali sa document na ipinasa niya sa kaniyang boss.
"Estupido! It's just a simple report but you can't perfect it? Did I just hire a member of my team to give me an erroneous document? God! You're just wasting the salary that this company is paying you."
Para mawala sa isip niya ang mga nangyari sa trabaho kanina ay minabuti niyang makinig na lamang sa Spotify.
I ache for the touch of your lips, dear
But much more for the touch of your whips, dear
You can raise welts
Like nobody else
As we dance to the Masochism Tango
Let our love be a flame, not an ember
Say it's me that you want to dismember
Blacken my eye
Set fire to my tie
As we dance to the Masochism Tango
Naging effective naman ang pakikinig niya ng music. Hindi na niya namalayang malapit na pala siya sa babaan niya. Makalipas ang ilang minuto ay naglalakad na siya papunta sa inuupahan niyang apartment nang walang anu-ano ay may pusang itim na bigla na lamang dumaan nang patakbo sa kaniyang daraanan. Sa sobrang gulat ay muntik pa niyang maitapon ang hawak na cellphone. Maya-maya ay nakatanggap si Anthony ng text mula sa isa niyang ka-team.
Patay na si Sir Richard, nabangga daw ng taxi kanina habang tumatawid pauwi ng bahay nila.

Comments