- Ace
- Apr 28, 2024
- 3 min read
Updated: May 11, 2025

Prologue: Pagsabog sa Alaala
"Inay, tulungan natin si Itay."
"Halika na, anak! Wala na tayong magagawa sa sinapit ng iyong ama. Umalis na tayo dito bago pa tayo makita ng mga tao ni Don Pedro. Masakit din ito para sa akin anak pero hindi natin sila kaya, napakarami nila at armado pa. Hindi ko kakayaning makipaglaban pa sa kanila, pagod na pagod na ako anak."
"Sige po, ako na lang ang tutulong kay Itay. Magtago na lang po muna kayo dito sa pagitan ng malalaking ugat ng Nara. Magtiwala po kayo, babalik ako kasama si Itay. Sapat ang itinuro ninyo sa akin para maipagtanggol ko kayo ni Itay. Hayaan ninyo po akong magamit ang mga natutunan ko para mailigtas kayo sa kapahamakan."
Matapos makumbinse ni Mark ang kaniyang ina ay kaagad siyang tumakbo pabalik sa nasusunog na bahay. Habang tumatakbo ay naaalala niya ang kanina lamang na masayang bonding nilang pamilya habang pinapanuod ang napakagandang sunset sa beach na nasa harap lamang ng bahay na nirentahan ng kanyang mga magulang for the weekend.
Napakaganda ng paglubog ng araw. Pinaghalong kahel, pula, at dilaw na animo'y isang bolang ipininta ng isang magaling na pintor sa kalangitang ang mga ulap ay nagmistulang mga buwayang nasusunog, na tila ba nagpapahiwatig na may isang unos na paparating.
Sa paglubog ng araw, napagpasyahan ng mag-anak na pumasok na sa beach house upang maghanda na ng kanilang hapunan. Si Mark ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Martin at Mathilda. Si Martin ay anak ng isang albularyong hasyendero sa Negros. Si Mathilda naman ay laking Maynila at anak ng isang mayamang negosyante. Unang nagkakilala ang dalawa nang minsang nagkasabay sila sa pag-jogging sa oval ng unibersidad kung saan sila parehong nag-aral. Matapos ang ilang beses na pagkakasabay sa pag-jogging ay naglakas-loob na si Martin na magsabi sa dalaga na balak niyang manligaw. And the rest is history.
"Boom!"
Isang malakas na pagsabog ang nagpabalik sa isip ni Mark sa kasalukuyang sitwasyon. Nakita niya na biglang nagliyab at sumabog ang sedan na sinakyan nilang pamilya kanina galing sa mansyon nila sa Quezon City.
Chapter 1: Ang Kasalukuyang Hamon
"Aaaaaaah"
Sa sobrang lakas nang pagsigaw ni Mark ay biglang nag-sitahulan ang mga asong kalye sa ibaba ng apartment building na tinitirhan niya. Ito ay dahil na rin sa bukas ang bintana ng kanyang kwarto. Umuulan nang matulog siya kaninang alas-otso ng gabi kaya hindi na niya isinara ito. Isa ang ulan sa mga bagay na nagpapakalma sa isipan niyang minsan ay mas maingay pa sa EDSA on a Monday morning.
"Panaginip na naman."
Kaagad siyang tumingin sa alarm clock niya sa bedside table. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Ala-sais dapat siya gigising ngayong araw dahil Sabado naman at wala siyang planong lumabas ng apartment pero sigurado siya na hindi na siya muling makakatulog kaya minabuti niyang bumangon na at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Ang apartment niyang ito sa Makati ang itinuturing niyang safe haven kapag siya ay nasa kalakhang Maynila para ayusin ang mga negosyong naiwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng karamihan, siya na ngayon ang nagmamay-ari ng pinakamalalaking real estate, telecom, at logistics companies sa buong Asya. Mayroon lamang siyang isang pinagkakatiwalaang tagapamahala sa bawat kompanya at inire-report na lamang ng mga ito ang mga kaganapan sa kanya. Pumupunta lamang siya sa Maynila kapag may mga papeles siyang kailangang pirmahan.
Matapos uminom ng tubig ay naisipan niyang magbukas ng kanyang laptop to check kung may bagong updates mula sa kaniyang mga business manager at personal assistant. Ang personal assistant na
Chapter 2:
