top of page
HOME: Welcome
  • Writer: Ace
    Ace
  • Apr 18, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 4, 2023

Magandang umaga!


Kumusta ka? I hope you're having a great Sunday. Ako? Ayos naman ako. Medyo kulang nga lang sa tulog dahil around 0400AM na akong nakatulog and sanay na ang katawan kong gumigising around 0700AM kapag Sunday. Or sabihin na lang nating ang dami kong tulog kahapon, like buong araw ng Sabado. Routine ko na 'to since night shift ako and around 0900AM akong natutulog kapag Sabado.


First time kong sumulat sa'yo today. Actually, nakuha ko ang idea na 'to when I watched the movie of Sarah G. and John Lloyd sa Netflix. I'm not sure kung napanuod mo na pero it's titled Finally Found Someone. Hindi ko na ikwe-kwento 'yong movie pero si Aprilyn kasi eh nagsusulat ng love letters sa cards for her future husband. Well, I'm not very good in writing using a pen and paper kaya dito ko na lang 'to isusulat.


Simula last night, I've been in constant communication with a guy. We spent almost 2 hours in a call before he went to sleep. Kani-kanina lang, we had our first videocall. Masaya, like overjoyed. I like him and I already told him that I want us to date. Masyado bang mabilis? Ako kasi eh gusto kong klarado ang intentions ko when it comes to matters of the heart.


Hanggang dito na lang muna. I'll tell you more about the guy as I get to know him.


Can't wait to meet you,


Ace

  • Writer: Ace
    Ace
  • Mar 28, 2021
  • 1 min read

Updated: Oct 14, 2021

"Para sa pusong nalulungkot, nasasaktan, natatakot, nangangamba, isang mahigpit na yakap."


Para sa mga pusong iniwan at nang-iwan, isang mahigpit na yakap. Sa pusong iniwan nang hindi alam ang dahilan, isang mahigpit na yakap. Sa pusong nang-iwan para hindi na muling masaktan, isang mahigpit na yakap.


Para sa mga pusong nasaktan at nasasaktan, isang mahigpit na yakap. Sa pusong nasaktan ngunit natutong lumaban, isang mahigpit na yakap. Sa pusong nasasaktan na ang sugat ay hindi pa naghihilom, isang mahigpit na yakap.


Para sa mga pusong natakot at natatakot, isang mahigpit na yakap. Sa pusong natakot ipaglaban ang nararamdaman, isang mahigpit na yakap. Sa pusong natatakot sumubok ng bagong pagmamahal, isang mahigpit na yakap.


Para sa mga pusong itinago at itinatago, isang mahigpit na yakap. Sa pusong itinago nang dahil sa lipunang mapanghusga, isang mahigpit na yakap. Sa pusong itinatago dahil hindi maintindihan ang nararamdaman, isang mahigpit na yakap.


Para sa mga pusong umasa, umaasa, at aasa pa rin, isang mahigpit na yakap. Sa pusong umasa ng masayang kahapon, isang mahigpit na yakap. Sa pusong umaasa na makikita din ang kan'yang halaga, isang mahigpit na yakap. Sa pusong aasa pa rin na bukas ay kapiling na ang minamahal n'ya, isang mahigpit na yakap.


Para sa mga pusong puro pasakit sa buhay ang nadarama, isang mahigpit na yakap.

bottom of page