top of page
HOME: Welcome

Updated: May 11, 2025

Ang Hating-Gabi Ng Isang Bituin

Prologue: Pagsabog sa Alaala

"Inay, tulungan natin si Itay."


"Halika na, anak! Wala na tayong magagawa sa sinapit ng iyong ama. Umalis na tayo dito bago pa tayo makita ng mga tao ni Don Pedro. Masakit din ito para sa akin anak pero hindi natin sila kaya, napakarami nila at armado pa. Hindi ko kakayaning makipaglaban pa sa kanila, pagod na pagod na ako anak."


"Sige po, ako na lang ang tutulong kay Itay. Magtago na lang po muna kayo dito sa pagitan ng malalaking ugat ng Nara. Magtiwala po kayo, babalik ako kasama si Itay. Sapat ang itinuro ninyo sa akin para maipagtanggol ko kayo ni Itay. Hayaan ninyo po akong magamit ang mga natutunan ko para mailigtas kayo sa kapahamakan."


Matapos makumbinse ni Mark ang kaniyang ina ay kaagad siyang tumakbo pabalik sa nasusunog na bahay. Habang tumatakbo ay naaalala niya ang kanina lamang na masayang bonding nilang pamilya habang pinapanuod ang napakagandang sunset sa beach na nasa harap lamang ng bahay na nirentahan ng kanyang mga magulang for the weekend.


Napakaganda ng paglubog ng araw. Pinaghalong kahel, pula, at dilaw na animo'y isang bolang ipininta ng isang magaling na pintor sa kalangitang ang mga ulap ay nagmistulang mga buwayang nasusunog, na tila ba nagpapahiwatig na may isang unos na paparating.


Sa paglubog ng araw, napagpasyahan ng mag-anak na pumasok na sa beach house upang maghanda na ng kanilang hapunan. Si Mark ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Martin at Mathilda. Si Martin ay anak ng isang albularyong hasyendero sa Negros. Si Mathilda naman ay laking Maynila at anak ng isang mayamang negosyante. Unang nagkakilala ang dalawa nang minsang nagkasabay sila sa pag-jogging sa oval ng unibersidad kung saan sila parehong nag-aral. Matapos ang ilang beses na pagkakasabay sa pag-jogging ay naglakas-loob na si Martin na magsabi sa dalaga na balak niyang manligaw. And the rest is history.


"Boom!"


Isang malakas na pagsabog ang nagpabalik sa isip ni Mark sa kasalukuyang sitwasyon. Nakita niya na biglang nagliyab at sumabog ang sedan na sinakyan nilang pamilya kanina galing sa mansyon nila sa Quezon City.

Chapter 1: Ang Kasalukuyang Hamon

"Aaaaaaah"


Sa sobrang lakas nang pagsigaw ni Mark ay biglang nag-sitahulan ang mga asong kalye sa ibaba ng apartment building na tinitirhan niya. Ito ay dahil na rin sa bukas ang bintana ng kanyang kwarto. Umuulan nang matulog siya kaninang alas-otso ng gabi kaya hindi na niya isinara ito. Isa ang ulan sa mga bagay na nagpapakalma sa isipan niyang minsan ay mas maingay pa sa EDSA on a Monday morning.


"Panaginip na naman."


Kaagad siyang tumingin sa alarm clock niya sa bedside table. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Ala-sais dapat siya gigising ngayong araw dahil Sabado naman at wala siyang planong lumabas ng apartment pero sigurado siya na hindi na siya muling makakatulog kaya minabuti niyang bumangon na at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.


Ang apartment niyang ito sa Makati ang itinuturing niyang safe haven kapag siya ay nasa kalakhang Maynila para ayusin ang mga negosyong naiwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng karamihan, siya na ngayon ang nagmamay-ari ng pinakamalalaking real estate, telecom, at logistics companies sa buong Asya. Mayroon lamang siyang isang pinagkakatiwalaang tagapamahala sa bawat kompanya at inire-report na lamang ng mga ito ang mga kaganapan sa kanya. Pumupunta lamang siya sa Maynila kapag may mga papeles siyang kailangang pirmahan.


Matapos uminom ng tubig ay naisipan niyang magbukas ng kanyang laptop to check kung may bagong updates mula sa kaniyang mga business manager at personal assistant. Ang personal assistant na

Chapter 2:









Updated: Oct 30, 2023

"My love for books has brought me to places that sometimes I thought I would never be able to visit if I'm not a book lover."


The first time I saw the official announcement on the Facebook page of the Manila International Book Fair, I couldn't contain my excitement. Hindi ko mapigilan na hindi mapasayaw sa tuwa. Ganito lang talaga ako kapag masaya, I even sing while dancing kapag sobrang excited ako.

The moment na malaman ko ang dates ng MIBF 2023, agad akong naghanap sa pages ng mga publishing company at bookstores regarding their own announcements sa participation nila this year.


When I saw that FullyBooked is offering their customers free tickets to the fair, I already made a plan kung aling branches nila ang pupuntahan ko to get a ticket.


My partner and I dropped by their branch in Glorietta the following weekend kaso ubos na daw agad. I was even planning to go to their Greenbelt branch but the customer service rep that I was able to talk to said na mas nauna daw naubos sa branch na 'yon.


Since I was already in a bookstore, I just looked for the second book of What If It's Us, in the Instagram post on the left, Here's To Us by Becky Albertalli and Adam Silvera. Luckily, meron sila kaya hindi na rin sayang ang pagpunta namin ni boyf sa branch na 'yon.


The following weekend, my partner and I visited the FullyBooked in Conrad. Ang saya ko lang kasi marami pa silang tickets. The customer service rep even gave us 2 tickets and told us to inform our friends that their branch still have tickets. Since andoon na lang rin kami, we casually browsed their shelves to look for any interesting titles.


While doing so, naalala ko na book nga pala ang source material ng kakalabas lang na BL rom-com movie na Red, White, and Royal Blue. I saw few copies pero medyo mahal pa, almost Php1K. Kaya I decided na hihintayin ko na lang na maging available sa National Bookstore.


***


I've been looking for a copy of Tale For A Rainy Season by Wincy Aquino Ong. You may visit the author's Instagram account below if you want to know more about the book.

Ang tagal ko nang hinahanap ang book na 'to pero palagi na lang out of stock sa mga bookstore na napuntahan ko, even sa Mt. Cloud sa Baguio noong mag-celebrate ako ng birthday ko doon last year.


I've been also constantly visiting the publisher's Shopee account pero sold-out palagi.


But what a coincidence! Since I've been following Wincy's IG account, nakita ko ang story n'ya and took the opportunity to ask him kung nasa MIBF siya this year.


Ang saya ko lang kasi nag-reply siya sa inquiry ko. Kahit na one day lang siya sa fair, ayos pa rin kasi for sure may available copies doon.


And to quote Wincy's reply to me, "Will get back to you! But most definitely, I will be there Friday. If ever, I can meet you sa Komiket booth. Kindly text me here na lang. Text text tayo!


At sa gulat ko sa message niya, all I could do was 'heart' his message. HAHAHA.


I know! Such a lame reaction pero okay na, at least magkakaroon na ako ng copy ng book niya and most probably will have a chance to get a photograph and autograph from him.


***


Now is a waiting game for me. It's just the second of September and DAY 01 of the fair will be on the 14th.


***


I was not able to secure a copy of Tale For A Rainy Season. We went to the fair on its last day and as I expected, the publisher of the book was not there anymore. We only spent an hour in the venue and decided to just have our dinner and coffee afterward.


bottom of page